Hindi ka magtatago,
kung wala kang tinatago.
Tuta ng nga ba ng administrasyon?
Sa pagdating mo kanina may escort ka na ng mga pulis. Bakit
hindi mo ipinagtanggol ang sarili mo? Bakit
hindi mo denepensahan ang sarili
mo? at pagkakataon mo nang ipaliwanag sa aming kamag-aaral mo ang nasa
panig mo bilang electoral tribunal at sagutin ang aming mga katanungan. Bakit
si Dean na lang ang nagsalita?
Baka daw susuntukin si Jayson?
Susuntukin siya habang may escort siyang mga pulis? Sinong
mga estudyante ang may tapang na gawin iyun?
Bakit ka ba hinahanap ng mga kapwa mo estudyante? Di ba , ang paliwanag
at sagot mo sa mga nagkakapatong-patong na mga katanungan habang hindi mo
sinasagot at nagpapaliwanag sa pagtatago mo?
Estudyante lumalaban.
Iyan ang aming
natutunan sa partidong Kilusang Mag-aaral. Hidi kami tinakot o diniktahan upang
makiisa at sumapi sa isang rally at pag-iingay sa kampus.Lalo kaming nagkalakas ng loob sa pagdating ni
Kuya Romanne “Rem” Posadas dahil siya ang estudyanteng may lakas na kwestyunin
ang mga bagay na hindi kanais-nais sa paningin, pandinig, mga usapin at isyu at
maging hinaing dala-dala ng mga kapwa kamag-aaral. Lumalaban kahit may mga
nakaaligid na mga bagay para maharang at hindi magtagumpay sa mga ninanais
ng bawat estudyante.
Freedom of Expression.
Sa aming pagra-rally sa kampus ng dalawang araw at sa mga
susunod pang mga araw hanggang walang nangyayari sa ipinaglalaban naming mga
estudyante ay hindi kami titigil at hindi kami matitinag lalo pa kaming
magbubuklod at titibay pa an gang pagkakaisa sa estudyante. Kung ang ilang
estudyante at instructors ay nasasabihan kaming O.A sa aming ginagawang
pag-rarally ay wala kaming paki-alam at alam naming na kapag nagkakaisa kami
tungo sa tamang hangarin at para sa mangyayaring magandang hangarin ng
kampus. At alam naman naming na ang ilan
ay hindi nakiisa sa rally ay mas nasusunod nila ang mga mensaheng ipinabatid sa
kanila.Ang ilan pa nga ay kapag hindi bumuto sa election ay isang linggong
absent at yung iba ay bagsak raw. Ano yun? Magpapasindak ka at maging
sunud-sunuran na lamang sa mga bagay naman
na alam mong hindi tama? ikaw na may pinag-aralan huwag mong payagan
kang yurakan ang karapatan mo. Lalong
magpapatuloy yan kapag hindi ka aangal.
Student Supreme Council Election
Ngayon muling naging mainit ang eleksyon para sa Student
Supreme Council sa taong 2014. Sa katunayan naman ay lagi-lagi kapag dumarating
na ang SSC election. Nagkaroon na ng
rally noong 2012 doon sa labas ng kampus pero hindi kasing init at kasing alab
ng eleksyong ito. Ngayon mas malaking
rally, mas maraming estudyante para sa pagbabago at mabasura ang bulok na pamamahala. Sa
eleksyong ito, bakit lalong hinahanapan ng butas ang isang partido lalong lalo
na ang “Kilusang Mag-aaral” na palabang
partido. Ang “Kilusang Mag-aaral” at ang “Biskeg” ang dalawang partidong nadis-qualified sa pagtakbo sa
posisyon sa Student Supreme Council. Tanging ang partido lamang ni Jebra
Branzuela ang hindi nadisqualified na may nagsasabi at nagpapatotoo naman na
may record siya sa Guidance Office sa isang sabunutan sa isang education
student dahilan sa isang love triangle. Ang kapansin-pansin ang suporta sa
kanya ng buong BMOA department. Ayaw nga ba nilang matalo ang pambato nila na minsan ng naging SSC President na halos
lahat ng estudyante ay hindi nasiyahan sa kanyang pamumuno na hindi tinupad ang
wifi project at magilan-ilan ang nagawang proyekto at inamin pang ano ang
kanyang magagawa kapag nakaupo siya sa posisyong wala raw pondo. Ang tanong ng
mga estudyante nasaan ang pondo?
May isang education student ang nagshare sa pagboto niya sa online. Ayaw daw maclick
yung name ni Arnold Cancino( tumatakbong president sa Biskeg Party list samantalang yung kay Jebra
daw, itapat mo lang yung arrow dun ay automatic na siyang naiboto.
At yung isa pa (Geen Ann Untalan), magboboto pa sana siya sa
online, nung ilalagay daw niya yung i.d number at password ay nakalagay daw sa
monior na “You have successfully done voting” . Paanong nangyari iyun?
Back To Zero
At sa wakas, Sa pagprotesta at mga sulat na ginawa at maging
sa media mula sa GMA Dagupan . Back to zero ang election at next week ang
election.