Wednesday, March 14, 2012

"KABATAAN" 



Sabi nila.. ang kabataan ang pag-asa ng bayan. 
Kabataan ang magpapaunlad sa susunod na henerasyon, 
At ang mag-aangat sa Pilipinas. 

Subalit, sa paanong paraan magagawa ng kabataan ito? 
Paano?! 

Kung ngayon pa lamang ang ilan sa atin ay hindi nakakapag-aral! 
At hindi makapunta sa eskwelahan! 

Kaya't ang iba'y nagta-trabaho na lang para may maitulong sa pamilya. 
Tulad ng palilimos, pamumulot ng basura, 
Pag-bebenta ng kung anu-ano sa kalye. 
At ang iba ay nakakagawa ng bagay na hindi mabuti. 

Kaya ma-swerte ka kabataan! ma-swerte ka! 
Ma-swerte tayo, tayo na nakakapag-aral sa pribadong paaralan. 
Kung kaya't huwag mong sayangin, 
Ans oportunidad na makapag-aral. 

Dahil ito, 
Ito ang makakatulong tungo sa kaunlaran 
Na maaring sa darating na panahon, 
Ikaw kabataan ay isa sa instrumento 
Kung bakit wala ng mahirap sa ating bayan. 

Kaya mag-aral ka! mag-sumikap ka! KABATAAN 

No comments:

Post a Comment