Wednesday, February 8, 2012

socsci reaction paper feb 82012

RONNEL C.DACONES                                                                                                              MS.JESSICA VILIRAN
  BSA 1-B                                                                                                                                                   INSTRUCTOR

Sa mga Kuko ng Liwanag
       
  Isang nobelang sinulat ni EDGARDO M. REYES na isang
kwentong napapaloob sa tunay at totoong nangyayari sa ating
 lipunan ngayon.Kwento ng buhay ng bawat indibidwal sa ating
 lipunan na kung ating matutuklasan ang mga kwento ng bawat
isa sa atin sa pamamagitan ng pagbasa at sa panonuod.Dito
mas lalo nating makikilala at maiintindihan ang kanilang tunay
na kalagayan sa buhay.Sa kani-kanilang estado sa buhay bilang
isang indibidwal lalo na sa mga maralita o dukhang mga
indibidwal.Karanasang nararanasan ng ilang indibidwal .Mga
dagok,suliranin,problema ,mga kahirapan  sa buhay na ang iba
ay hindi ito nararanasan.Dito rin naipapamalas ang mga ibat -
ibang pamamaraan sa buhay upang mabuhay kahit
papaano.Ang ilan sa atin ay kung anu- anu anung trabaho an

gang kanilang pinapasukan upang mabuhay at matugunan ang
kanilang pang araw araw na pangangailangan.Kahit ang ilan rito
ay hindi legal na trabaho.
Sumasalamin ang nobelang “SA MGA KUKO NG LIWANAG NI 
EDGARDO M. REYES sa matagal nang problema ng ating bansa ang kahirapan at katiwalian.Hanggat patuloy itong hindi
nalulutas ay patuloy pa rin ang paghihikahos at paghihirap ng
mga tao sa ating lipunan.Kinakailangan ang tulong at
kapangyarihan ng ating gobyerno upang unti-unti
masolusyunan ang matagal ng problema sa ating lipunan at sa
ating bansa upang maging maunlad ang ating bansa at nang
matuldukan ang mga katiwalian,mga panglalamang sa mga
 kapwa.

Nilikha tayo nang Diyos na kawangis niya.Subalit binibigyan
tayo ng mga pagsubok upang sukatin ang atin kakayahan kung
hanggang saan ang ating makakaya.At kung gaano tayo katatag
sa buhay upang lalong mas matuto sa buhay.Mabuhay sa kabila
ng mabibigat na mga problema,mga hamon na kelangan nating
sumulong at lumaban upang makapagpatuloy sa
buhay.Masanay na maging matatag upang malampasan ang
mga dagok sa buhay.